Pula, Orange, Dilaw

By Perry Calara

Would we see a new "sun" rise on May 11?

Batuhan ng insulto ang maririnig mo sa mga bunganga ng mga kandidato ngayong eleksyon. Badtrip nga dahil naka-sentro na sa kandidato ang usapan at hindi na sa isyu ng mamamayan katulad ng tunay na land reform, kalayaan sa dikta ng dayuhan, human rights violation…

Narinig ko kamakailan na sinisiraan ni Noynoy Aquino ang kulay ng partido ni Manny Villar — orange. Sabi ni Noynoy ang dilaw daw ang kulay ng araw kapag nasa itaas ito. Ang Orange kapag papalubog na ang araw.

Parang may mali. Alam ba ni Noynoy ang kanyang Physics? Ang araw kapag nasa itaas ay hindi yellow. Lahat ng kulay ay nandiyan – visible light.

Tapos, hindi mo tinitingnan ang araw kung tanghaling tapat. Mabubulag ka. Wala pa talaga sa mga ordinaryong Pilipino ang nakakakita ng diretso sa araw kung tanghaling tapat – subukan mo nga! Kung wala pang nakakakita ng diretso sa araw, papapaano niya nalaman na yellow iyon? Siguro naaalala lang ni Noynoy ang kanyang coloring book kung saan yellow ang representation ng araw, o naalala niya ang bandila ng Pilipinas. Pero pula naman ang araw sa bandila ng Hapon.

Parang di alam ni Noynoy ang kanyang siyensya dahil kumpara sa orange unang lumulubog ang kulay yellow kapag lumulubog na ang araw. Hindi niya nakikita ang yellow sa takip silim kasi lumubog na ito.

Pula naman ang huling nawawala sa kalangitan kapag takip-silim. Makikita niyo ito sa kulay ng kalangitan kapag nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Makikita mo na ang pinakamataas na kulay sa langit ay Pula, sunod ay orange at sunod ay yellow, tapos green, tapos blue, tapos violet – visible light o rainbow color. Bakit Pula ang nahuhuling lumubog? May kinalaman dito ang pagkakaiba ng wavelength ng mga kulay.

Ang may pinakamahabang wavelength ay pula at may pinakamaiksi sa visible light ay violet. Huling lumulubog sa takip-silim ang may pinakamahabang wavelength, kulay pula. Ito naman kasi ay dahil mas nakakalusot sa curvature ng earth ang mas mahabang wavelength.

Ang haba o iksi rin ng wavelength ng kulay ang dahilan kung bakit unang makikita sa bagong umaga ay ang pula kasunod ay orange at pumapangatlo lang ang kulay yellow.

Kung ako ang tatanungin may mas ipagyayabang ang mga pulahan kapag kulay sa langit ang pag-uusapan: huling nawawala sa takip-silim at unang lumalabas sa bagong umaga. Naalala ko tuloy ang mga aktibista sa kolehiyo na nagsasabing: may binabadya ang kulay ng kalangitan, pula ang kulay ng kalayaan.

4 Responses to “Pula, Orange, Dilaw”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by Tonyo Cruz, 100ARAW. 100ARAW said: Today on 100ARAW: Pula, Orange, Dilaw http://ow.ly/1HCJJ [...]

  2. on 07 May 2010 at 12:06 amdennis tan

    color blind kasi si noynoy

  3. on 08 May 2010 at 12:55 amhez_up

    hanep, nalalaman talaga kung sino ang walang alam.,. hindi lang si noynoy color blind, talagang bulag sa katotohanang wala pa siyang nagawa at walang dapat ipagmalaki!

  4. on 09 May 2010 at 5:38 amCarlos

    hanep, nalalaman talaga kung sino ang walang alam.,. hindi lang si noynoy color blind, talagang bulag sa katotohanang wala pa siyang nagawa at walang dapat ipagmalaki!
    +1

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply