By Flowell Galindez

L-R: Prof Raul Pangalangan, Former Comelec Christian Monsod, Commisioner Gregorio Larrazabal, Comelec Spokeperson James Jimenez

Confident si COMELEC Spokeperson James Jimenez habang sumasagot sa katanungan na may posibilidad bang magkaroon ng failure of election sa unang poll automation ng bansa sa May 10, 2010.

Ayon sa kanya malabong mangyari ito dahil kung sakaling magkaproblema sa automation ay maaaring gawing manual ang bilangan ng eleksyon na kung saan ang karamihan ay alam na ito at ginagawa.

Kasama sina Prof. Raul Pangalangan (UP College of Law), Christian Monsod (Former COMELEC Chairman) at Gregorio Larrazabal (COMELEC Commissioner) sa unang ABS-CBN News and Current Affairs “E-Leksyon: The 2010 Voters Empowerment Series” na naglalayong mapagusapan ang mga issues at concerns na tungkol sa bagong sistemang gagamitin sa 2010 Election at iyon ay poll automation.

Ginanap ang forum kagabi January 29, 2010 sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply